Yakap
Ngayon isusulat ko ang pinakamasayang talata
Ngayon isusulat ko ang pinakamagandang pangyayari
Ngayon isusulat ko ang hiwaga ng mundo
Isang napakalamig na gabi
Dalawang nagmamahalan
Di kayang pigilin ng lamig ang init ng pag-ibig
Nanggigigil na bisig sayo ikinukumot
Lambing sa mundo satin umaapaw
Wala nang makakapigil
Sa pagdaan ng malalakas na hangin
Unti-unting natatangay lungkot at pait
Dala ng nakaraan na matagal na sating nakakapit
Habang nasa tabi mo
Sa kalawakan lumilipad
Hayaan mo sanang matangay nang sa paraiso mapadpad
Mga kamay nating naglalaro
Sa kawalan ayaw maghiwalay
Sapagkat dito nila nalaman kahulugan ng buhay
Matamis mong mga ngiti inaakit aking labi
Di mapigil bugso ng nadarama
Damhin mo sana biyaya ng langit
Habang ang lamig ay nagpapainit
Lalong humihigpit mas lalong kumakapit
Di maipaliwanag na pag-ibig hayaan mong sa atin bumalot
Mapulang bagay na ating nilililok
Tutulungang kitang muli itong mabuo
Pira-piraso iipunin at ating pagsasamahin
Ngayon lungkot ako ay iiwan na
Ngayon inspirasyon at liwanag sumisilip na
Ngayon sasamahan kita sayong paglalakbay
Hindi pababayaan, hindi iiwan
Halika samahan mo kong lumipad
Real Love
The Beatles – Real Love lyrics
All my little plans and schemes,
lost like some forgotten dreams.
Seems that all I really was doing
was waitin’ for you.
Just like little girls and boys,
playing with their little toys.
Seems like all we really were doing
was waitin’ for love.
Don’t need to be alone,
No need to be alone.
It’s real love, it’s real,
Yes it’s real love, it’s real.
From this moment on I know,
exactly where my life will go.
Seems that all I really was doing
was waitin’ for love.
Don’t need to be afraid,
No need to be afraid.
It’s real love, it’s real,
Yes it’s real love, it’s real.
Thought I’d been in love before,
but in my heart I wanted more.
Seems like all I really was doing
was waitin’ for you.
Don’t to be alone,
No need to be alone.
It’s real love, yeah it’s real,
It’s real love, it’s real,
Yes, it’s real love, it’s real,
It’s real love, it’s real,
Yes it’s real love, it’s real,
It’s real love, it’s real,
Yes it’s real love, it’s real,
It’s real love, it’s real,
Yes it’s real love….
Ang babae sa jeep
“Pre, dota tyo ngaun”. Text ni Samson kay Migel, mga alas-otso na ng gabi. “Sge pre, kain lang ako, tpos diretso na ko jan.” Reply ni Migel.
Paalis na si Migel nang maalala niyang hindi pa pala nawawala ang bagyo, hindi na maulan ng oras na iyon, pero nagdala na rin siya ng payong upang hindi mabasa pag-uwi kung sakali mang umulan. Habang naghihintay ng masasakyang jeep papuntang Morayta ay napansin niyang hindi natatanaw ang mga bituin sa langit. Pagsakay ng jeep ay agad siyang nagbayad, umusog na rin papalapit sa babaan upang di na maabala pa. Mga dalawampung minuto din ang biyahe papunta sa Morayta kaya naman nakinig muna siya ng musika mula sa kanyang mp3. Sa bilis ng biyahe hindi niya napansing nasa Pureza na pala, marami-rami ring nakuhang pasahero ang sinasakyan niyang jeep. May isang magandang babae din na sumakay, nagkataong nasa bungad si Migel ng jeep kaya naman sa kanya agad ito napatingin, napakagandang babae, maputi, siguro ay halos kasing edad niya lang ito, maganda din ang katawan niya, litaw na litaw ang magaganda niyang hita sa suot niyang maiksing palda. Habang papaakyat ng jeep ay gusto sana itong sundan ng tingin ni Migel, pero hindi na niya ginawa sapagkat baka kung ano na lang ang isipin ng baklang katapat niya sa jeep na kanina pa tingin ng tingin sa kanya. Sa pangyayaring iyon ay hindi niya na tuloy napansin ang paborito niyang linya sa paborito niyang kantang pinapakinggan niya, kaya naman inulit niyang muli ito sa umpisa. Habang mabilis na umaandar ang jeep mabilis ding naglalakbay ang isip ni Migel, at di niya namalayan, mabilis din palang dadating ang jeep sa Morayta. Paghinto ng jeep ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, buti na lang at may payong siya.
Pagbaba niya habang binubuksan ng maayos ang payong ay nagulat siya ng pababa na rin ‘yong magandang babae kanina. Napansin ni Migel na wala itong payong at medyo nagmamadali sa paglalakad.
**
Hinabol niya ang babae. “Miss teka lang.” Napahinto siya, “sukob ka muna ang lakas ng ulan.”, “salamat” sambit niya. Mukhang mabait naman ito at parang mahiyain, habang pinagmamasdan ni Migel ang babae habang sila ay naglalakad ay parang may kakaibang karisma na sa kanya’y bumabalot. At biglang nagtanong ang babae. “hanggang saan ka ba?.”, “diyan lang sa may computer shop sa may kanto” sagot ni Migel, “ah, sige okey na ako dito, salamat ha” pasasalamat naman ng babae, “bakit ikaw, hanggang saan ka ba?.” muling tanong ni Migel, “hanggang diyan lang sa may sakayan ng jeep sa may kabilang kalsada.”, “ah, sige hatid na kita doon”, “salamat.”. Habang naglalakad ay biglang naitanong ni Migel kung ano ang pangalan ng babae, “Nelisa”, nakangiting sagot ng babae. Sa mga sandaling iyon ay tila di maipaliwanag ang sayang nadarama niya, di niya alam kung bakit pero kung gano kabilis ang tibok ng puso niya ay ganoon din siya kabilis na nahulog sa babae. At nang…
**
Pagbaba niya habang binubuksan ng maayos ang payong ay nagulat siya ng pababa na rin ‘yong magandang babae kanina. Napansin ni Migel na wala itong payong at medyo nagmamadali sa paglalakad. Naisip na niya ang mga gagawin pero nang dahil sa sobrang mahiyain siya at sa sobrang katorpehan sa babae ay di niya nagawang lapitan ito, hanggang sa unti-unti itong nawala sa paningin niya.
Sa huli ay dumiretso siya ng computer shop ng nakatulala at nagsisisi.
Puso sa blackboard
Oo, sinabi kong maganda ang drawing mong pusong durog, pero sobrang nalungkot ako noong kwinento mo sakin ang istorya sa likod nun, kaya naman mukhang mas maganda kapag idinrawing mo ‘yon ng buo.
May gusto sana akong sabihin, hindi mo naitatanong magaling din akong magdrawing, kaya ko rin magdrawing ng puso, higit sa lahat kaya kong ayusin ‘yong durog na pusong dinrawing mo. Kung pahihintulutan mo lang sana ako, gusto sana kitang tulungang idrawing ‘yon ng buo. Parang ganito.